Jun 24, 2006

***SPOILERS AHEAD***


Ang laging tanong sa akin lately is kung "kumusta ang/si mommy". Ang lagi ko naman sagot is ok lang pero iniisip ko tuloy pag tinatanong ba ako ng "kumusta ang/si mommy" ang ibig sabihin ba nila ay kumusta ako mismo or kumusta ang pagiging ina? Wla naman akong iniisip na masama sa tanong na yon ang sa akin lang is napapaisip lang ako...so kumusta nga ba si mommy?

Kung ako mismo..mabuti naman ako. buhay pa pagkatapos ng 3 araw na labor. Pina admit ako sa hospital nung june 2, friday, kse 40 weeks anf 1 day na ko nun. di pa nanganganak. ni 1 cm wla pa at mababa na ang amniotic fluid ko (read: tubig sa bahay bata). so nung june 2 inumpisahan ang pag induce sa akin. Nang pinasok ako sa DR nung tanghali ng June 2, napakaraming babaeng buntis sa DR. Ni check ang vital signs at nilinis ang tyan. Pinasok sa LR 2. Isa itong kwarto na mala aquarium dahil glass ang asa isang gilid nito. 12 hours akong asa LR 2 sa aking unang araw. Ako lang mag isa. naka dextrose at wlang makausap o ni mabasa. Ang tanging pampalipas oras ay ang pagbasa ng numero sa fetal heart rate machine, ang pagbasa ng nakalagay sa dextrose na baliktad at ang pag tingin sa maliit na bintana sa may taas ng aking ulo--ang nakikita ko nga lang sa bintana nito ay ang parking lot ng hospital...so lahat ng labas pasok sa parking lot nakikita ko. Sayang at wla akong nakitang nagpatayan o nag sex man lang sa loob ng sasakyan para man lang masiyahan ako ng konti. So ayun, 12 hours akong mag isa. 12 hours din akong wlang kinakain o iniinom. leche. gutom na kme ng anak ko. nang matapos ang first level ng pag induce or induction, sa awa ng dyos 1 cm pa din ako. ayaw lumabas ng bagets. napansin ko na lahat ng kasabayan ko na pumasok sa DR nung tanghali ng friday e wla na sa DR. champion. pinagpahinga ako sa kwarto ko na asa labas ng DR (hay salamat!) pero bawal pa din daw ako kumain. Pero wag ka, may panakaw na subo ako ng yang chow rice ng chowking. Aba! ikaw ba naman ang di pakainin no. Binalik ako ng umaga ng June 3 sa DR. eto nanaman kami~another 12 hours . Nung hapon ni biopsy ang tyan ko. Aba tumaas daw ang amniotic fluid ko. hindi sya abot ng 7 which is the normal and safe # pero tumaas ng 6 mula sa dating 5.5. Sbe ng OB pwede daw ako umuwi. Sa loob loob ko, LECHE! pagkatapos nyo kong gutumin ng 12 hours e biglang papauwiin nyo ko! Buti nalang somekinda matalino si ob at sinabe na since asa hospital nalang din ako e mag all the way na kme. ehem. sa pag induce po. so sya sige manganak na kung manganak para one time big time. Humingi muna ako ng time out. feeling ko para akong ieechagaray. binigyan ako ng reprieve ng 2 hours bago umpisahan ang 3rd and last attempt of induction. after 2 hours binalik na ulet ako~this time 8 hours nalang daw DAPATT. so buong gabi ng sabado go nanaman kme. masakit po ang pag induce. baka akalain nyo na dahil naka 3 induction ako na ganun ganun lang yun. masakit po sya at nakaka lungkot dahil mag isa lang kayo at wlang kausap at wla pang makain. Nung mga 3am, 1 cm pa din ako. Wla na atang pag asa na lumuwag pa ang aking sipit sipitan. Nung mga 5am, sa sobrang inis ko, nag prisinta ako sa ob resident if pwede ako maglakad lakad ng onti. kaya ayun namasyal ako hila hila ang aking dextrose sa loob ng delivery room na may patingin tingin sa pinto ng DR na may malaking window nangangarap na may makikitang kakilala. Ang pinto na ito ay malayo kung asa ako nun so halos di mo na makikilala ang taong asa kabila ng pinto na to. Mga 7am tiningnan ulet ako at sinabi na sa wakas ng 3cm na ko. Wow! akala mo ang laki pero hello sa tagal na wlang nangyayari e ang pag 3cm ko ay welcome change. Binutas na ang water bag ko para ma force na lumabas si bagets at dun na nag suklob ang langit at lupa. kung nasasaktan ka sa dysmenorrhea..goodluck pag naglalabor ka. may nag taray pa sa akin na ob resident kse humihingi ako ng painkiller. di daw pwede kse sa monitor bumababa na ang heart rate ni baby. gusto ko sana sigawan. ikaw ang mag labor at mag tiis sa sakit. kaso sa sobrang sakit di na ko nakapag react. iyak, hawak sa kama at ang pag tawag sa lahat ng santo ang inatupag ko nalang nun. sa oras na yun ready na din ako mag give up. ikaw ba naman ang mag labor ng 3 araw at di kumain ng ganun katagal ewan ko nalang kung may lakas ka pang umire. sa wakas nag desisyon na din ang doctor na i-CS na daw ako. bumababa na ang heart rate ni bagets at ayaw na nila na pati ako e bumaba na din ang vitals. Pinasok ako sa operating room at hiniga sa operating table (langya mas nakakatakot pala dun. sino ba ang interior designer ng kwarto na yun!?!?!?! tama ba naman na naka display yung mga sinaunang gamit sa pagpapanganak) kaso nilabas ulet kse ang asawa ko daw gusto ako kausapin. haaaayyy masakit na po! Pagbalik ko sa operating room na notice ko ang hinihigaan ko...tama ba naman na ang operating table e gawa sa leather na itim at hugis pa cross?! wuzdameaning ito! so sa madali't salita nanganak na ko. so sa tanong na kumusta ako mismo...ok ako. buhay pa sa awa ng Dyos. salamat sa pagtanong.

Pero kung ang tanong ay kung kumusta ang pagiging ina ... masaya..masarap...nakakapagod...fulfilling...mahirap i explain basta masaya...pag sinabi ko na masaya meron pa bang explanation yun? hindi maiintindihan ng isang tao ang pakiramdam unless isa syang ina or isang ama na naghirap sa anak...para ka na din sigurong nanalo sa lotto...jackpot. one time bigtime ang feeling....ngayon kung ngingiti lang ang anak ko para sa akin solb na ang lahat....